Font Size
Isaias 40:7-9
Magandang Balita Biblia
Isaias 40:7-9
Magandang Balita Biblia
7 Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak,
kapag sila'y mahipan ng hanging mula kay Yahweh.
Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo.
8 Oo, ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak,
ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.”
Ang Diyos ay Narito Na
9 Umakyat ka sa tuktok ng bundok, O Zion,
magandang balita ay iyong ipahayag, O Jerusalem!
Sumigaw ka at huwag matatakot,[a]
sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,
“Narito na ang inyong Diyos!”
Footnotes
- Isaias 40:9 Umakyat…matatakot: o Umakyat ka sa isang matayog na bundok at ipahayag ang magandang balita sa Jerusalem! Sumigaw ka at ibadya ang magandang balita sa Zion!
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.