Font Size
Isaias 40:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 40:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak,
kapag sila'y mahipan ng hanging mula kay Yahweh.
Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo.
8 Oo, ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak,
ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.”
Ang Diyos ay Narito Na
9 Umakyat ka sa tuktok ng bundok, O Zion,
magandang balita ay iyong ipahayag, O Jerusalem!
Sumigaw ka at huwag matatakot,[a]
sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,
“Narito na ang inyong Diyos!”
Footnotes
- 9 Umakyat…matatakot: o Umakyat ka sa isang matayog na bundok at ipahayag ang magandang balita sa Jerusalem! Sumigaw ka at ibadya ang magandang balita sa Zion!