Add parallel Print Page Options

Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta;
    ngunit ang salita ng ating Diyos ay mamamalagi magpakailanman.
Umakyat ka sa mataas na bundok,
    O Zion, tagapagdala ng mabubuting balita;
itaas mo ang iyong tinig na may kalakasan,
    O Jerusalem, tagapagdala ng mabubuting balita,
    itaas mo, huwag kang matakot;
sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,
    “Tingnan ang inyong Diyos!”
10 Narito,(A) ang Panginoong Diyos ay darating na may kapangyarihan,
    at ang kanyang kamay ay mamumuno para sa kanya;
narito, ang kanyang gantimpala ay dala niya,
    at ang kanyang ganti ay nasa harapan niya.

Read full chapter