Add parallel Print Page Options

22 Ilabas nila, (A)at ipahayag sa amin kung anong mangyayari: ipahayag ninyo ang mga dating bagay, maging anoman ang mga yaon, upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila: o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating.

23 Inyong ipahayag ang mga bagay (B)na darating pagkatapos, upang aming maalaman na kayo'y mga dios; (C)oo, kayo'y magsigawa ng mabuti, o magsigawa ng kasamaan, upang kami ay mangawalan ng loob, at mamasdan naming magkakasama.

24 Narito, (D)kayo'y sa wala, at ang inyong gawa ay sa wala: kasuklamsuklam siya na pumili sa inyo.

Read full chapter