Font Size
Isaias 41:22-24
Magandang Balita Biblia
Isaias 41:22-24
Magandang Balita Biblia
22 Lumapit kayo at inyong hulaan
ang mga mangyayari sa kinabukasan.
Ipaliwanag ninyo sa harap ng hukuman,
upang pagtuunan ng aming isipan,
ang mga pangyayari sa kahapong nagdaan.
23 Maniniwala kaming kayo nga ay diyos
kapag ang hinaharap inyong mahulaan.
Kayo'y magpakita ng anumang gawang mabuti, o kahit masama,
nang kami'y masindak o kaya'y manghina.
24 Kayo at ang inyong gawa'y walang kabuluhan;
ang sumasamba sa inyo ay kasuklam-suklam.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.