Add parallel Print Page Options

Hindi niya pababayaan ang mahihina ang pananampalataya[a] at hindi niya tatalikuran ang mga nawalan ng pag-asa. Matapat niyang papairalin ang katarungan. Hindi siya manghihina o mawawalan ng pag-asa hanggaʼt hindi niya lubusang napapairal ang katarungan sa buong mundo. Pati ang mga tao sa malalayong lugar[b] ay maghihintay sa kanyang mga turo.” Ito ang sinabi ng Dios, ang Panginoon na lumikha ng langit na iniladlad niyang parang tela. Nilikha niya ang mundo at ang lahat ng naroroon. Siya rin ang nagbibigay ng buhay sa mga tao at sa lahat ng nilikhang nabubuhay sa mundo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 42:3 mahihina ang pananampalataya: o, mga inaapi.
  2. 42:4 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar malapit sa dagat. Ganito rin sa talatang 10 at 12.