Add parallel Print Page Options

Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo.

10 Magsiawit kayo sa Panginoon (A)ng bagong awit, at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa; (B)kayong nagsisibaba sa dagat, at ang buong nariyan, (C)ang mga pulo, at mga nananahan doon,

11 (D)Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyaon, ang mga nayon na tinatahanan ng (E)Cedar: magsiawit ang mga nananahan sa Selah, magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga bundok.

Read full chapter