Font Size
Isaias 44:26-28
Magandang Balita Biblia
Isaias 44:26-28
Magandang Balita Biblia
26 Ngunit ang pahayag ng mga lingkod ko'y pawang nagaganap,
at ang mga payo ng aking mga sugo ay natutupad;
ako ang maysabing darami ang tao sa Jerusalem,
muling itatayo ang mga gumuhong lunsod sa Juda.
27 Isang utos ko lamang, natutuyo ang karagatan.
28 Ang(A) sabi ko kay Ciro, ‘Ikaw ang gagawin kong tagapamahala.
Susundin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa iyo.
Ang Jerusalem ay muli mong ipatatayo,
gayundin ang mga pundasyon ng Templo.’”
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.