Font Size
Isaias 45:20-22
Ang Biblia (1978)
Isaias 45:20-22
Ang Biblia (1978)
20 Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong (A)magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: (B)sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at (C)nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.
21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at (D)walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at (E)Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.
22 Kayo'y magsitingin sa akin, (F)at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978