Font Size
Isaias 53:4-6
Ang Biblia, 2001
Isaias 53:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Tunay(A) na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman,
at dinala ang ating mga kalungkutan;
gayunma'y ating itinuring siya na hinampas,
sinaktan ng Diyos at pinahirapan.
5 Ngunit(B) siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway,
siya'y binugbog dahil sa ating mga kasamaan;
ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan,
at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.
6 Tayong(C) lahat ay gaya ng mga tupang naligaw;
bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan;
at ipinasan sa kanya ng Panginoon
ang lahat nating kasamaan.