Font Size
Isaias 53:5-7
Ang Biblia, 2001
Isaias 53:5-7
Ang Biblia, 2001
5 Ngunit(A) siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway,
siya'y binugbog dahil sa ating mga kasamaan;
ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan,
at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.
6 Tayong(B) lahat ay gaya ng mga tupang naligaw;
bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan;
at ipinasan sa kanya ng Panginoon
ang lahat nating kasamaan.
7 Siya'y(C) (D) inapi, at siya'y sinaktan,
gayunma'y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig;
gaya ng kordero na dinadala sa katayan,
at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi,
kaya't hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.