Add parallel Print Page Options

Ngunit(A) dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;
    siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya
    at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Tayong(B) lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw;
    nagkanya-kanya tayo ng lakad.
Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya
    ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

“Siya(C) (D) ay binugbog at pinahirapan,
    ngunit hindi kumibo kahit isang salita;
tulad ay tupang nakatakdang patayin,
parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan,
    at hindi umiimik kahit kaunti man.

Read full chapter