Add parallel Print Page Options

Habag para sa Lahat

55 “O(A) lahat ng nauuhaw,
    pumarito kayo sa tubig
at siyang walang salapi,
    pumarito kayo, kayo'y bumili at kumain!
Pumarito kayo, kayo'y bumili ng alak at gatas
    ng walang salapi at walang halaga.
Ano't kayo'y gumugugol ng salapi sa hindi pagkain,
    at ng inyong sahod sa hindi nakakabusog?
Pakinggan ninyo akong mabuti, at kainin ninyo kung ano ang mabuti,
    at malugod kayo sa katabaan.
Ang(B) inyong tainga ay inyong ikiling, at pumarito kayo sa akin;
    kayo'y makinig upang ang inyong kaluluwa ay mabuhay.
Ako'y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan,
    ayon sa tapat na kahabagang ipinakita kay David.

Read full chapter