Font Size
Isaias 55:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 55:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Habag ng Diyos
55 Sinabi(A) ni Yahweh,
“Narito ang tubig, kayong mga nauuhaw.
Ang mga walang salapi ay lumapit din dito,
bumili kayo ng pagkain at ito'y kainin ninyo!
Bumili kayo ng alak at gatas
kahit walang salaping pambayad.
2 Bakit(B) gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog?
Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan?
Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko,
at matitikman ninyo ang pinakamasasarap na pagkain.
3 Makinig(C) kayo at lumapit sa akin.
Sundin ninyo ako at magkakaroon kayo ng buhay!
Isang walang hanggang kasunduan ang gagawin natin;
pagtitibayin ko ang aking walang hanggang pag-ibig kay David.