Font Size
Isaias 62:4-6
Ang Biblia, 2001
Isaias 62:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Hindi ka na tatawagin pang ‘Pinabayaan’;[a]
hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na ‘Giba’;[b]
kundi ikaw ay tatawaging ‘Ang Aking Katuwaan Ay Nasa Kanya’,[c]
at ang iyong lupain ay tatawaging ‘May Asawa’,[d]
sapagkat ang Panginoon ay nalulugod sa iyo,
at ang iyong lupain ay magiging may asawa.
5 Sapagkat kung paanong ang binata ay ikinakasal sa dalaga,
gayon ikakasal ka sa iyong mga anak na lalaki,
at kung paanong ang lalaking ikakasal ay nagagalak sa babaing ikakasal,
gayon magagalak ang Diyos sa iyo.
6 Ako'y naglagay ng mga bantay sa iyong mga pader, O Jerusalem;
sila'y hindi tatahimik kailanman sa araw o sa gabi.
Kayong mga umaalala sa Panginoon,
huwag kayong magpahinga,
Footnotes
- Isaias 62:4 Sa Hebreo ay Azubah .
- Isaias 62:4 Sa Hebreo ay Shemamah .
- Isaias 62:4 Sa Hebreo ay Hefziba .
- Isaias 62:4 Sa Hebreo ay Beulah .