Font Size
Isaias 62:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Isaias 62:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
4 Hindi ka na tatawaging, “Itinakwil” o “Pinabayaan”. Ikaw ay tatawaging, “Kaligayahan ng Dios” o “Ikinasal sa Dios”, dahil nalulugod sa iyo ang Dios at para bang ikaw ay ikakasal sa kanya. 5 Siya na lumikha sa iyo[a] ay magpapakasal sa iyo na parang isang binata na ikakasal sa isang birhen. At kung papaanong ang nobyo ay nagagalak sa kanyang nobya, ang iyong Dios ay nagagalak din sa iyo. 6 Jerusalem, naglagay ako ng mga tagapagbantay sa iyong mga pader. Hindi sila titigil araw-gabi sa pagbibigay ng babala sa mga mamamayan mo.
Kayong mga nananalangin sa Panginoon, huwag kayong titigil sa inyong pananalangin.
Read full chapterFootnotes
- 62:5 Siya na lumikha sa iyo: sa Hebreo, Ang iyong mga anak na lalaki.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®