Add parallel Print Page Options

At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan, hanggang sa siya'y matatag, at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan[a] sa lupa ang Jerusalem.

Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay[b] ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan.

Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon, at magsisipuri sa Panginoon; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon (A)sa mga looban ng aking santuario.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 62:7 Is. 61:11. Zef. 3:20.
  2. Isaias 62:8 Deut. 28:31, 33.