Add parallel Print Page Options

23 Sila'y hindi gagawa nang walang kabuluhan,
    o manganganak man para sa kapahamakan,
sapagkat sila ang magiging supling ng mga pinagpala ng Panginoon,
    at ang kanilang mga anak na kasama nila.
24 At mangyayari na bago pa sila tumawag ay sasagot ako,
    samantalang sila'y nagsasalita ay makikinig ako.
25 Ang(A) asong-gubat at ang kordero ay manginginaing magkasama,
    at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka;
    at alabok ang magiging pagkain ng ahas.
Sila'y hindi mananakit o maninira man
    sa lahat kong banal na bundok,
sabi ng Panginoon.”

Read full chapter