Add parallel Print Page Options

isang Bayan na lagi akong ginagalit nang mukhaan,
na naghahandog sa mga halamanan,
    at nagsusunog ng insenso sa ibabaw ng mga bato;
na umuupo sa gitna ng mga libingan,
    at ginugugol ang magdamag sa lihim na dako;
na kumakain ng laman ng baboy,
    at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan;
na nagsasabi, “Lumayo ka,
    huwag kang lumapit sa akin, sapagkat ako'y higit na banal kaysa iyo.”
Ang mga ito ay usok sa aking ilong,
    apoy na nagliliyab buong araw.

Read full chapter