Isaias 66:4-6
Magandang Balita Biblia
4 Dahil dito, ipararanas ko sa kanila
ang kapahamakang kinatatakutan nila.
Sapagkat nang ako'y tumawag walang tumugon kahit na isa;
nang ako'y magsalita, walang gustong makinig.
Ginusto pa nila ang sumuway sa akin
at gumawa ng masama.”
5 Pakinggan ninyo si Yahweh,
kayong natatakot at sumusunod sa kanyang salita:
“Kinamumuhian at itinataboy kayo ng inyong sariling kababayan, nang dahil sa akin;
at sinasabi pa nila, ‘Ipakita ni Yahweh ang kanyang kadakilaan at iligtas niya kayo
para makita namin kayong natutuwa.’
Ngunit mapapahiya sila sa kanilang sarili.
6 Pakinggan ninyo at sa lunsod ay nagkakagulo,
at mayroong ingay na buhat sa Templo!
Iyon ay likha ng pagpaparusa ni Yahweh sa kanyang mga kaaway!
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.