Add parallel Print Page Options

14 Dahil(A) dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan:
Maglilihi ang isang dalaga[a]
    at magsisilang ng isang sanggol na lalaki
    at tatawagin sa pangalang Emmanuel.[b]
15 Gatas at pulot ang kanyang kakainin
    kapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti.
16 Sapagkat bago matuto ang bata na umiwas sa masama
    at gumawa ng mabuti,
    ang lupain ng dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 7:14 DALAGA: Sa wikang Hebreo, ang salitang ginamit ay hindi ang partikular na katagang ginagamit para sa salitang birhen, subalit sa isang katagang tumutukoy sa sinumang babaing maaari nang mag-asawa. Ang pagkakagamit ng salitang “birhen” sa Mateo 1:23 ay ibinase sa isang salin ng Lumang Tipan sa wikang Griego na tinatawag na “Septuaginta”.
  2. Isaias 7:14 EMMANUEL: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y Kasama natin ang Diyos .