Font Size
Jeremias 1:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 1:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Muli akong tinanong ni Yahweh, “Ano pa ang nakikita mo?”
Sumagot ako, “Isa pong kalderong kumukulo ang laman at halos tumagilid na mula sa gawing hilaga.”
14 At sinabi niya sa akin, “Mararanasan ng lahat ng naninirahan sa lupaing ito ang isang pagkawasak na magmumula sa hilaga. 15 Tatawagin ko ang lahat ng bansa sa hilaga. Darating silang lahat at ang kanilang mga hari'y maglalagay ng kani-kanilang trono sa harap ng pintuan ng Jerusalem, sa paligid ng mga pader nito, at sa ibang mga lunsod ng Juda.
Read full chapter