Font Size
Jeremias 10:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 10:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Awit ng Pagpupuri sa Diyos
12 Nilikha ni Yahweh ang lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
Lumitaw ang daigdig dahil sa kanyang karunungan,
at iniladlad niya ang langit sa bisa ng kanyang kaalaman.
13 Pagkarinig sa kanyang utos, umugong ang mga tubig sa kalangitan;
napagsama-sama niya ang mga ulap mula sa lahat ng hangganan ng lupa.
Nagagawa niyang pakislapin ang kidlat sa gitna ng ulan,
at nagpapaihip sa hangin mula sa kublihan nito.
14 Sa harapan niya ang bawat tao'y mistulang mangmang;
malalagay sa kahihiyan bawat panday
sapagkat ang ginawa nilang mga diyus-diyosan ay hindi totoo at walang buhay.