Font Size
Jeremias 10:7-9
Magandang Balita Biblia
Jeremias 10:7-9
Magandang Balita Biblia
7 Sino(A) ang hindi matatakot sa iyo, ikaw na Hari ng lahat ng bansa?
Karapat-dapat lamang na ikaw ay katakutan.
Kahit na piliin ang lahat ng matatalino
mula sa lahat ng bansa at mga kaharian,
wala pa ring makakatulad sa iyo.
8 Silang lahat ay pawang hangal at mangmang.
Ano ang maituturo sa kanila ng mga diyus-diyosang kahoy?
9 Ang kanilang diyus-diyosa'y binalutan ng pilak na galing sa Tarsis,
at ng gintong mula sa Upaz,
ginawang lahat ng mahuhusay na kamay;
pagkatapos ay binihisan ng kulay ube at pula
na hinabi naman ng manghahabing sanay.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.