Jeremias 11:3-5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
3 Sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsasabing isusumpa ko ang taong ayaw sumunod sa mga sinasabi sa kasunduang ito. 4 Ang mga utos kong ito ay ipinatupad ko sa inyong mga ninuno noong inilabas ko sila sa Egipto, sa lugar na parang nagniningas na pugon na tunawan ng bakal. Sinabi ko sa kanila, ‘Kung susundin ninyo ako at ang lahat ng utos ko, magiging mga mamamayan ko kayo at akoʼy magiging Dios ninyo. 5 Nang sa ganoon, tutuparin ko ang aking ipinangako sa inyong mga ninuno na bibigyan ko sila ng maganda at masaganang lupain[a] – ang lupaing tinitirhan ninyo ngayon.’ ”
At sinabi ko, “Siya nawa, Panginoon.”
Read full chapterFootnotes
- 11:5 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®