Font Size
Jeremias 13:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 13:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 At pagkatapos, pag-uumpug-umpugin ko silang parang mga tapayan hanggang madurog na lahat, matatanda't mga bata. Hindi ko sila kahahabagan kaunti man kapag ginawa ko ito.’”
Nagbababala si Jeremias tungkol sa Kapalaluan
15 Mga Israelita, si Yahweh ay nagpahayag na!
Magpakumbaba kayo at siya'y dinggin.
16 Parangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos,
bago niya palaganapin ang kadiliman,
at bago kayo madapa sa mga bundok kapag dumilim na;
bago niya gawing matinding kadiliman
ang liwanag na inaasahan ninyo.