Jeremias 13:9-11
Ang Biblia (1978)
9 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayon sa paraang ito ay (A)aking sasayangin ang kapalaluan ng Juda, at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem.
10 Ang masamang bayang ito, na ayaw makinig ng mga salita ko, na lumalakad ayon sa katigasan ng kanilang puso, at yumaong sumunod sa ibang mga Dios upang paglingkuran, at upang sambahin, ay magiging gaya ng pamigkis na ito, na hindi mapapakinabangan sa anoman.
11 Sapagka't kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa mga balakang ng lalake, gayon pinakapit ko sa akin ang buong sangbahayan ni Israel at ang buong sangbahayan ni Juda, sabi ng Panginoon; upang sila'y (B)maging pinakabayan sa akin, at pinakapangalan, at pinakapuri, at pinakaluwalhati: nguni't hindi nila dininig.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978