Add parallel Print Page Options

Sinugo ng kanyang mga maharlika ang kanilang mga lingkod na pumunta sa tubig;
    sila'y dumating sa mga balon,
at walang natagpuang tubig;
    sila'y nagsisibalik na dala ang mga sisidlan na walang laman;
sila'y nahihiya at nalilito,
    at tinatakpan ang kanilang mga ulo.
Dahil sa lupa na bitak-bitak,
    palibhasa'y walang ulan sa lupain,
ang mga magbubukid ay nahihiya,
    tinatakpan nila ang kanilang mga ulo.
Maging ang usa sa parang ay pinababayaan ang kanyang bagong silang na usa,
    sapagkat walang damo.

Read full chapter