Add parallel Print Page Options

Pababayaan ko ring makuha ng mga kaaway ang lahat ng kayamanan sa lunsod na ito, at kamkamin ang lahat ninyong ari-arian, pati ang mga kayamanan ng mga hari ng Juda. Dadalhin nila sa Babilonia ang lahat ng maaaring pakinabangan. Ikaw naman, Pashur, at ang iyong buong sambahayan ay mabibihag at dadalhin sa Babilonia. Doon na kayo mamamatay at malilibing, kasama ng inyong mga kaibigan na pinagsabihan mo ng mga kasinungalingan.’”

Si Jeremias ay Dumaing kay Yahweh

Yahweh, ako'y iyong hinikayat,
    at naniwala naman ako.
Higit kang malakas kaysa akin
    kaya ikaw ay nagwagi.
Pinagkatuwaan ako ng lahat;
    at maghapon nila akong pinagtatawanan.

Read full chapter