Add parallel Print Page Options

12 Doon na siya mamamatay sa lugar na pinagdalhan sa kanya bilang bihag, at hindi na niya makikita pang muli ang kanyang bayan.”

Ang Pahayag tungkol kay Jehoiakim

13 “Kahabag-habag ang magiging wakas ng taong nagtatayo ng kanyang bahay sa pamamagitan ng pandaraya,
    at naglalagay ng mga silid dito sa pamamagitan ng panlilinlang.
Pinagtatrabaho niya ang kanyang kapwa nang walang kabayaran.
14 Sinasabi pa niya,
    ‘Magtatayo ako ng malaking bahay
    na may malalaking silid sa itaas.
Lalagyan ko ito ng mga bintana,
    tablang sedar ang mga dingding,
    at pipinturahan ko ng kulay pula.’

Read full chapter