Add parallel Print Page Options

18 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay (A)Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, (B)Hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, (C)Ah kapatid kong lalake! o, Ah kapatid na babae! hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah panginoon! o, Ah kaniyang kaluwalhatian!

19 Siya'y malilibing ng libing asno, na (D)hihilahin at itatapon sa labas ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem.

20 Ikaw ay sumampa sa Libano, at humiyaw; at ilakas mo ang iyong tinig sa Basan, at ikaw ay humiyaw mula (E)sa Abarim; sapagka't lahat ng mangingibig sa iyo ay nalipol.

Read full chapter