Add parallel Print Page Options

18 Kaya(A) ganito ang sabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim, anak ni Haring Josias ng Juda:

“Walang tatangis sa kanyang pagpanaw o magsasabing,
    ‘Mahal kong kapatid! O, ang kapatid ko!’
Wala ring tatangis para sa kanya, at sisigaw ng,
    ‘O, panginoon! O aking hari!’
19 Ililibing siyang tulad sa isang patay na asno;
    kakaladkarin at ihahagis sa labas ng pintuang-bayan ng Jerusalem.”

Ang Pahayag tungkol sa Sasapitin ng Jerusalem

20 Umakyat kayo sa Lebanon at humiyaw,
    sumigaw kayo hanggang sa marinig sa Bashan ang inyong tinig.
Kayo'y manangis mula sa tuktok ng Bundok Abarim,
    sapagkat nilipol nang lahat ang kapanalig ninyo.

Read full chapter