Font Size
Jeremias 3:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 3:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Sa araw na iyon, ang Jerusalem ay tatawaging ‘Luklukan ni Yahweh’. Lahat ng bansa'y magkakatipon doon upang sambahin ako. Hindi na nila gagawin ang kasamaang kanilang gustong gawin. 18 Magkakaisa ang Israel at ang Juda. Magkasama silang babalik mula sa hilaga at maninirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga magulang, upang maging kanila magpakailanman.”
Sumamba sa Diyus-diyosan ang Israel
19 Sinabi ni Yahweh,
“Itinuring kitang anak, Israel,
at binigyan ng lupaing pinakamainam sa lahat,
sapagkat inakala kong kikilalanin mo akong ama,
at hindi ka na tatalikod sa akin.