Add parallel Print Page Options

22 Anak ko, hanggang kailan ka pa mag-aalinlangan?
Ako, si Yahweh, ay nagtatag ng isang bagong kaayusan:
    ang babae ang siyang magtatanggol sa lalaki.”

Ang Kasaganaang Mararanasan ng Israel

23 Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: “Muling sasabihin ang mga salitang ito sa lupain ng Juda at sa kanyang mga lunsod, kapag ibinalik ko na sila sa kanilang tahanan:

‘Pagpapalain ni Yahweh
    ang bundok na banal ng Jerusalem, na kanyang tinatahanan.’

24 Ang mga nagsasaka at mga pastol ay muling magkakasamang maninirahan sa Juda.

Read full chapter