Add parallel Print Page Options

12 Susunugin niya ang mga templo ng mga dios-diosan sa Egipto. Ang ibang mga dios-diosan ay masusunog din, at ang iba ay dadalhin niyang bihag. Lilinisin niya ang lupain ng Egipto katulad ng paglilinis ng pastol ng kanyang damit para alisin ang mga pulgas. Pagkatapos, aalis si Nebucadnezar na ligtas sa anumang pinsala. 13 Talagang wawasakin niya ang mga haligi ng dios-diosan sa Heliopolis[a] sa Egipto, at susunugin niya ang mga templo ng mga dios-diosan doon.’ ”

Read full chapter

Footnotes

  1. 43:13 Heliopolis: sa literal, bahay ng araw.