Font Size
Jeremias 46:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 46:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Tungkol(A) sa Egipto, sa hukbo ni Faraon Neco na nilupig ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia, samantalang sila'y nakahimpil sa may Ilog Eufrates sa Carquemis noong ika-4 na taon ng paghahari sa Juda ni Jehoiakim, anak ni Josias:
3 “Ihanda ninyo ang inyong mga kalasag,
at sumugod sa digmaan!
4 Lagyan ninyo ng sapin ang mga kabayo, at sakyan ng mga mangangabayo.
Humanay kayo at isuot ang inyong helmet,
ihasa ang inyong mga sibat,
at magbihis ng mga gamit pandigma!