Add parallel Print Page Options

Sino itong bumabangon katulad ng Nilo,
    gaya ng mga ilog na ang tubig ay malakas na umaalon?
Ang Egipto ang bumabangong tulad ng Nilo,
    gaya ng ilog na umaalon.
Sabi niya, ‘Ako'y babangon, aapawan ko ang lupa,
    wawasakin ang mga lunsod, at lilipulin ang mga naninirahan doon.
Lumusob kayo, mga mangangabayo!
    Sumugod kayong nasa mga karwahe!
Sumalakay kayo, mga mandirigma,
    mga lalaking taga-Etiopia[a] at Libya na bihasang humawak ng kalasag;
    kayo ring taga-Lud na sanay sa pagpana.’”

Read full chapter

Footnotes

  1. 9 TAGA-ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.