Jeremias 46:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Ang Egipto ang bumabangong tulad ng Nilo,
gaya ng ilog na umaalon.
Sabi niya, ‘Ako'y babangon, aapawan ko ang lupa,
wawasakin ang mga lunsod, at lilipulin ang mga naninirahan doon.
9 Lumusob kayo, mga mangangabayo!
Sumugod kayong nasa mga karwahe!
Sumalakay kayo, mga mandirigma,
mga lalaking taga-Etiopia[a] at Libya na bihasang humawak ng kalasag;
kayo ring taga-Lud na sanay sa pagpana.’”
10 Ang araw na iyon ay araw ni Yahweh,
ang Makapangyarihang Panginoon,
araw ng paghihiganti niya sa mga kaaway.
Ang tabak ay parang gutom na kakain at hindi hihinto hanggang hindi busog,
iinumin nito ang kanilang dugo.
At ihahandog ni Yahweh ang mga bangkay nila
sa lupain sa hilaga, sa may Ilog Eufrates.
Footnotes
- Jeremias 46:9 TAGA-ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.