Add parallel Print Page Options

Kayo'y magsisampa, kayong mga kabayo; at kayo'y magsihagibis, kayong mga karo; at magsilabas ang mga lalaking makapangyarihan: ang Cus at ang Phut, na humahawak ng kalasag; at ang mga Ludio, na nagsisihawak at nangagaakma ng busog.

10 Sapagka't ang araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, may hain sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates.

11 Sumampa ka sa Galaad, at kumuha ka ng balsamo, Oh anak na dalaga ng Egipto: sa walang kabuluhan gumagamit ka ng maraming gamot; hindi ka na gagaling.

Read full chapter