Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe ng Panginoon tungkol sa mga Filisteo

47 Ang(A) salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga Filisteo, bago sinakop ni Faraon ang Gaza.

“Ganito ang sabi ng Panginoon:
Narito, ang mga tubig ay umaahon mula sa hilaga,
    at magiging nag-uumapaw na baha;
ang mga ito ay aapaw sa lupain at sa lahat ng naroon,
    ang lunsod at ang mga naninirahan doon.
Ang mga tao ay sisigaw,
    at bawat mamamayan sa lupain ay tatangis.
Sa ingay ng lagapak ng mga kuko ng kanyang mga kabayo,
    sa hagibis ng kanyang mga karwahe, sa ingay ng kanilang mga gulong,
hindi nililingon ng mga magulang ang kanilang mga anak,
    dahil sa kahinaan ng kanilang mga kamay,

Read full chapter