Add parallel Print Page Options

11 Ang Moab na tiwasay mula sa kaniyang kabataan, at siya'y (A)nagpahinga sa kaniyang mga latak, at hindi napagsalinsalin sa sisidlan at sisidlan, o pumasok man siya sa pagkabihag: kaya't ang kaniyang lasa ay nananatili sa kaniya, at ang kaniyang bango ay hindi nababago.

12 Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking susuguin sa kanila ang mga mangbubuhos, at siya'y ibubuhos nila; at kanilang tutuyuin ang kaniyang mga sisidlan, at babasagin ang kanilang mga sisidlang lupa.

13 At ang Moab ay mapapahiya dahil kay Chemos, gaya ng (B)sangbahayan ni Israel na napahiya dahil sa (C)Beth-el na kanilang tiwala.

Read full chapter