Font Size
Jeremias 48:31-33
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 48:31-33
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
31 Kaya iiyak ako para sa mga taga-Moab at mga taga-Kir Hareset.[a] 32 Iiyak din ako para sa mga taga-Sibna ng higit kaysa sa pag-iyak ko sa mga taga-Jazer. Sibma, para kang halamang ubas na ang mga sanga ay umabot sa kabila ng Dagat na Patay hanggang sa Jazer. Pero ngayon, inubos ng mga maninira ang bunga mo. 33 Wala nang maririnig na kasayahan at katuwaan sa mga bukid at mga ubasan sa lupain ng Moab. Hindi na umaagos ang katas ng ubas sa mga pisaan. Wala ng mga pumipisa ng ubas na sumisigaw sa tuwa. May mga sumisigaw nga, pero hindi na sigaw ng tuwa.
Read full chapterFootnotes
- 48:31 Kir Hareset: o, Kir Heres.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®