Font Size
Jeremias 49:16-18
Ang Biblia, 2001
Jeremias 49:16-18
Ang Biblia, 2001
16 Tungkol sa iyong kakilabutan,
dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso,
ikaw na nakatira sa mga bitak ng bato,[a]
na humahawak sa kataasan ng burol.
Bagaman pataasin mo ang iyong pugad na kasintaas ng sa agila,
ibababa kita mula roon, sabi ng Panginoon.
17 “Ang Edom ay magiging katatakutan; bawat magdaraan doon ay mangingilabot at susutsot dahil sa lahat ng kapinsalaan nito.
18 Gaya(A) ng pagbagsak ng Sodoma at Gomorra, at ng mga karatig-bayan ng mga ito, sabi ng Panginoon, walang sinumang mananatili roon, walang anak ng tao na maninirahan doon.
Read full chapterFootnotes
- Jeremias 49:16 o Sela .
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
By Philippine Bible Society