Add parallel Print Page Options

12 Kanilang ikinaila ang Panginoon, at sinabi, Hindi siya; ni darating sa atin ang kasamaan; (A)ni makakakita tayo ng tabak o ng kagutom man:

13 At ang mga propeta ay magiging parang hangin, at ang salita ay wala sa kanila: ganito ang gagawin sa kanila.

14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, (B)gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon.

Read full chapter