Jeremias 50:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Inyong ipahayag sa gitna ng mga bansa, at inyong itanyag, at mangagtaas kayo ng watawat; inyong itanyag, at huwag ninyong ikubli: inyong sabihin, Ang Babilonia ay nasakop, (A)si Bel ay nalagay sa kahihiyan, (B)si Merodach ay nanglulupaypay; ang kaniyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan, ang kaniyang mga diosdiosan ay nanganglupaypay.
3 Sapagka't mula sa hilagaan ay (C)sumasampa ang isang bansa laban sa kaniya, na sisira ng kaniyang lupain, at walang tatahan doon: sila'y nagsitakas, sila'y nagsiyaon, ang tao at gayon din ang hayop.
4 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang mga anak ni Israel ay magsisidating, (D)sila, at ang mga anak ni Juda na magkakasama: (E)sila'y magsisiyaon ng kanilang lakad na nagsisiiyak, (F)at hahanapin nila ang Panginoon nilang Dios.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978