Add parallel Print Page Options

Sapagka't mula sa hilagaan ay (A)sumasampa ang isang bansa laban sa kaniya, na sisira ng kaniyang lupain, at walang tatahan doon: sila'y nagsitakas, sila'y nagsiyaon, ang tao at gayon din ang hayop.

Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang mga anak ni Israel ay magsisidating, (B)sila, at ang mga anak ni Juda na magkakasama: (C)sila'y magsisiyaon ng kanilang lakad na nagsisiiyak, (D)at hahanapin nila ang Panginoon nilang Dios.

Kanilang ipagtatanong ang daan ng Sion, na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa dakong yaon, na magsasabi, Magsiparito kayo, at lumakip kayo sa Panginoon (E)sa walang hanggang tipan na hindi malilimutan.

Read full chapter