Jeremias 50:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Sinasakmal sila ng lahat na nangakakasumpong sa kanila; at (A)sinabi ng kanilang mga kaaway, Kami ay walang kasalanan, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon, na (B)tatahanan ng kahatulan, sa makatuwid baga'y sa Panginoon, na pagasa ng kanilang mga magulang.
8 Magsitakas kayo mula sa gitna ng Babilonia, at kayo'y magsilabas mula sa lupain ng mga Caldeo, at kayo'y maging gaya ng mga kambing na lalake sa harap ng mga kawan.
9 Sapagka't, narito, aking patatayuin at pasasampahin laban sa Babilonia (C)ang isang kapulungan ng mga dakilang bansa na mula sa hilagaang lupain; at sila'y magsisihanay laban sa kaniya; mula diya'y sasakupin siya; ang kanilang mga pana ay magiging gaya sa isang magilas na makapangyarihan; (D)walang babalik na di may kabuluhan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978