Jeremias 51:55-57
Ang Biblia (1978)
55 Sapagka't ang Panginoon ay nananamsam sa Babilonia, at nanglilipol doon ang dakilang tinig; at ang mga alon ng mga yaon ay nagsisihugong na parang maraming tubig; ang hugong ng kanilang kaingay ay lumabas:
56 Sapagka't ang manglilipol ay dumating doon, sa Babilonia, at ang mga makapangyarihang lalake niyaon ay nangahuli, ang kanilang mga busog ay nagkaputolputol: (A)sapagka't ang Panginoon ay Dios ng mga kagantihan, siya'y tunay na magbabayad.
57 At aking lalanguhin ang kaniyang mga prinsipe (B)at ang kaniyang mga pantas, ang kaniyang mga gobernador at ang kaniyang mga kinatawan, at ang kaniyang mga makapangyarihan; at siya'y matutulog ng walang hanggang pagtulog, at hindi magigising, sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978