Jeremias 51:57-59
Ang Biblia, 2001
57 Lalasingin ko ang kanyang mga pinuno at ang kanyang mga taong pantas,
ang kanyang mga tagapamahala, mga punong-kawal, at ang kanyang mga mandirigma;
sila'y matutulog nang walang hanggang pagtulog at hindi magigising,
sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo.
58 “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo:
Ang malawak na pader ng Babilonia
ay lubos na magigiba,
at ang kanyang matataas na pintuan
ay matutupok ng apoy.
Ang mga tao ay nagpapagal sa walang kabuluhan,
at ang mga bansa ay nagpapakapagod para lamang sa apoy.”
Ang Mensahe ni Jeremias ay Ipinadala sa Babilonia
59 Ang salita na iniutos ni propeta Jeremias kay Seraya na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, nang siya'y pumunta sa Babilonia na kasama ni Zedekias na hari ng Juda, nang ikaapat na taon ng kanyang paghahari. Si Seraya ay tagapamahala.
Read full chapter