Add parallel Print Page Options

58 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang makapal na kuta ng Babilonia ay lubos na magigiba, at ang kaniyang mga mataas na pintuang-bayan ay masusunog ng apoy; (A)at ang mga tao ay magpapagal sa walang kabuluhan, at ang mga bansa sa apoy; at sila'y mangapapagod.

Ang aklat ng salita ng Panginoon ay itatapon sa Eufrates.

59 Ang salita na iniutos ni Jeremias na propeta kay Seraias na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, ng siya'y pumaroon sa Babilonia na kasama ni Sedechias na hari sa Juda, nang ikaapat na taon ng kaniyang paghahari. Si Seraias nga ay punong bating.

60 At sinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat na kasamaan na darating sa Babilonia, (B)ang lahat na salitang ito na nasusulat tungkol sa Babilonia.

Read full chapter